Archive for the 'El Filibusterismo kabanata 1-10' Category

05
Jul
12

kabanata 2 – sa ilalim ng kubyerta

Kabanata 2 – Sa Ilalim sa Kubyerta
Sa kabanata 1 ay nakita ang itsura ng kubyerta at pinakilala ang iba’t ibang tauhan na sumasalamin sa iba’t ibang uri ng mga namamahala sa ating gobyerno. Pinakita din sa kabanata 1 na ang Bapor Tabo ay may dalawang bahagi, ang nasa itaas at ang nasa ibaba. Sa Ilalim ng Bapor Tabo gaya ng ibabaw ng kubyerta ay makikita din ang iba’t ibang uri ng mga taong nasasakupan ng mga taong nasa itaas at sa lipunan nating ginagalawan. Tampok dito ang tinawag na “Kardinal Moreno” (Kataas-taasang demonyo) na si Simoun at ang dalawang mag-aaral.
Dahilan ng pamagat:
Ito ang ginamit ni Rizal upang ipakita sa kanyang mambabasa ang kalagayan ng mga tao sa ibaba (mga mahihirap, nagtitiis, may sakit, puno ng problema sa buhay, at mga Pilipinong nagnanais na makaranas ng kaginhawaan sa buhay subalit sila ay nakakulong sa masalimuot na pamumuhay gaya ng kalagayan ng mga tao sa ilalim ng kubyerta. Mainit, siksikan, ingay, nagkahalong mga masangsang na amoy ng mga tao, at iba’t ibang gawain gaya ng pagsusugal, pagkukwentuhan, tawanan, atbp. Ito ang buhay ng mga Pilipino na kanilang binabaka sa pang-araw-araw.
Pangunahing problema sa kabanata:
Nagkaroon ng mainit na usapin sa pagitan ni Simoun at ng dalawang mag-aaral na nag-umpisa sa panghahamak ni Simoun sa lalawigang pinanggalingan ni Basilio at ang pag-alok niya sa pag-inom ng alak na siya namang pagtanggi ni Isagani na siyang naging tampok ng pagpapalitan ng mga salita ng dalawa.

Tauhan:
1. Simoun – Bumaba sa ilalim ng kubyerta upang maibsan ang tensyon naganap sa ibabaw ng kubyerta. Nakita ang dalawang mag-aaral at nag-usap ukol sa bayan ng San Diego.
2. Kapitan Basilio – may edad na, nagtanong tungkol sa kaibigang si Kap. Tiago kay Basilio. Nagkaroon ng negatibong pananaw ukol sa pagpapatayo ng Akademya ng Wikang Kastila (AWK) na isinusulong ng mga mag-aaral. Ayon sa kanya malabo itong matuloy.
3. Isagani – Tahimik, malungkutin, isang makatang kakatapos lang sa Ateneo.
4. Basilio – Makisig, matangkad, estudyante ng medisina at mahusay gumamot.
5. Padre Florentino – Isang paring Filipino, anak-mayaman, kahit kailan hindi niya ambisyon maging pari, ito lamang ay bunga ng pamimilit ng kanyang ina.
Simbolismo:
*Ang pagiging negatibo ni Kap. Basilio ukol sa Akademya – Ipinapakita lamang nito na isa sa mga sakit sa lipunang tinutuligsa ni Rizal sa ating mga namamahala sa gobyerno ay ang kawalang suporta sa mga programa, gawain at mga patakarang may kinalaman sa kabutihan ng mga mamamayan. Ayaw makialam sa mga issue na direktang nagbibigay ng agarang atensyon ng mga taong dapat na magsagawa nito, bagkus pinapabayaan at hindi pinapansin. Ito rin ay sumisimbolo sa mga taong tumutuligsa sa mga pangyayari, sitwasyon, mga usapin ng bansa sa halip na ito ay tulungan at suportahan ay tuwirang sumasalungat kayat walang nangyayari sa bayan dahil sa pagkakaroon ng dibisyon.
* serbesa – Kastila, mga nanunungkulan sa gobyerno at mga taong may kapangyarihan
*Tubig – mga Indiyo, mga Pilipino, mamamayan ng bayan.
*Akademya ng Wikang Kastila – Ang patunay ng pagnanais ng mga kabataan na magkaroon ng edukasyon, umunlad sa buhay at maging marunong at lumaya mula sa pagiging mangmang sa pamamagitan ng pagkatuto.
*Ang sapilitang pagiging pari ni P. Florentino – Nakita natin dito noong unang panahon ang kapangyarihan ng mga magulang sa anak. Sa mga desisyon, sa mga kukuning bokasyon sa buhay at kung sino ang mapapangasawa. Kung ano ang sinabi ng magulang ay karaniwang itong sinusunod ng anak.
*ang dalawang mag-aaral – Mga kabataang gustong matuto at magkaroon ng kinabukasan sa pamamgitan ng pag-aaral.
Maikling buod ng kabanata:

Tinungo ni Simoun ang ibaba ng kubyerta. Masikip sa mga pasahero ang ilalim ng kubyerta. Naroon ang dalawang estudyante na pinakukundanganan ng iba, si Basilio na nag-aaral ng medisina at mahusay na manggagamot at isang makata na katatapos pa lamang sa Ateneo, si Isagani. Kausap sila ni Kap. Basilio.
Napag-usapan nila si Kap. Tiago. Pinauwi raw si Basilio ng matanda, ani Padre Irene na nagiing tagapayo ng kapitan nitong mga huling araw. Nabaling ang usapan sa paaralang balak ng mga estudyante para sa pagtuturo ng mga kastila. Hindi raw ito magtatagumpay ayon kay kap. Basilio> ipinagtanggol naman ito nina Basilio at Isagani sapagkat nakahanda na raw ang lahat na kailangan upang ito ay maisakatuparan.
Lumayo ang matandang Basilio. Napag-usapan si Paulita Gomez, ang kasintahan ni Isagani na ubod ng ganda, mayaman, at may pinag-aralan kaya lamang ay tiya nito si Donya Victorina. Ipinahahanap ni D. Victorina kay Isagani ang asawa, si D. Tiburcio de Espadana, na sa bahay pa ng amaing si P. Florentino nagtatago.
Dumating si Simoun at kinausap ng magkaibigan. Ipinakilala ni Basilio kay Simoun si Isagani. Sinabi ni Simoun na hindi niya nadadalaw ang lalawigan nina Basilio sapagka’t ang lalawigang ito ay mahirap at di makabibili ng alahas. Matigas na tumutol si Isagani at sinabi niyang hindi sila namimili ng alahas dahil hindi nila itokailangan. Napangiti si Simoun. Nasabi raw niyang dukha ang lalawigan, dahil ang mga pari sa simbahan ay Pilipino.
Nag-anyaya si Simoun na uminom ng serbesa. Tumanggi ang dalawa. Ayon kay Simoun, sinabi ni P. Camorra na kaya tamad ang mga Pilipino ay dahil palainom ng tubig at hindi ng serbesa. Mabilis na tumugon si Basilio. Sabihin daw kay P. Camorra na kung siya ay iinom ng tubig sa halip na serbesa (alak), marahil ay mawawala ang sanhi ng mga usap-usapan. Dagdag ni Isagani, ang tubig ay lumulunod sa alak at serbesa at pumapatay ng apoy at sa sandaling ang mumunting ilog na watak-watak ay magkakasama-sama sa kailalimang hinuuhay ng tao. Binigkas ni Basilio ang isang tula ni Isagani na ukol sa pagtutulungan ng apoy at tubig sa pagpapatakbo sa makina (steam engine). Pangarap daw ayon kay Simou, dahil ang makina ay hahanapin pa.
Nang umalis si Simoun saka lamang nakilala nang lubusan ni Isagani ang mag-aalahas na tinawag na KArdinal Moreno. May dumating na utusan. IPinatawag ni P. Florentino ang pamangkin. Ngunit nakita ng kapitan si P. Florentino at ito’y inanyayahag pumanhik sa kubyerta.

Mahalagang pahayag/pangyayari sa kwento: to be continued……….
(paliwanag sa bawat isa)
Aral/Mensahe ng Kabanata: to be continued……….

03
Jul
12

Pag-aaral sa El Fili ni jose rizal

Kabanata 1 – Sa Kubyerta

Ito ang palapag ng bapor na sa magkabilang gilid nito ay bukas na tila pasilyo (maliit na daanan o lagusan, isikinita) na sagad sa magkabilang dulo.

Dahilan ng pamagat:

Ito ang naging pamagat ng kabanata 1 dahil sa ipinakita dito sa taas ng bapor ang lugar gaya ng kanilang estado sa buhay na nasa itaas ng bapor laban sa mga nasa ibaba ng bapor na iniuugnay sa mga mahihirap. Dito nakita ang iba’t ibang uri ng mga tao at pangunahing tauhan sa El Filibusterismo na may mga katangiang mayaman, makapangyarihan, mga Kastila na inihahalintulad din sa iba’t ibang uri ng mga namumuno at pulitiko sa Pilipinas.

Pangunahing problema sa kabanata:

Ang pagpapabuti ng paglalayag ng Bapor Tabo sa Ilog Pasig patungo sa Laguna na pinagtalunan, kung ano nga ba ang pinakamabuting solusyon dito.

Tauhan

1. Simoun – Nag-anyong may salamin at sombrero na mukhang taga Europeo upang hindi makilala ng mga kausap at maitago ang kanyang tunay na katauhan sa anino ni Crisostomo Ibarra (Noli Me Tangere). Nagbigay ng Suhestyon sa problema sa Ilog pasig na gumawa ng bagong daan at tabunan ang dati.

2. Ben Zayb – Isang manunulat na ayon sa kanya ay siyang tanging nag-iisip lamang sa buong kapuluan ng Pilipinas.

3. Don Custodio –Mayaman, malakas ang kapit sa pamahalaan at may mataas na tungkulin. Nagulat sa Iminungkahi ni Simoun at nagkaroon siya ng panukala na upang mapabuti ang paglalayag ay dapat mag-alaga lahat ng mga nakatira sa gilid ng Ilog ng Itik ng sa gayon ay lumalim ito at hindi na sumadsad pa ang bapor sa putik kapag nabungkal na ng mga itik ang lupa kung sila ay maghahanap ng pagkain na suso.

4. Padre Salvi- payat, matangkad,

5. Padre Camorra – Ang paring Artilyero

6. Padre Sibyla – ang rector ng unibersidad

7. Donya Victorina – masungit, mayabang, at masama ang ugali. Isang Indiya sa hitsura ngunit pinipilit niyang magmukang Kastila sa pamamagitan ng pagdadamit-Kastila, paglalagay ng sobrang pulbos dekorasyon, lipstick at kolorete sa mukha. Asawa ni Don Tiburcio de Espadana na kanyang hinahanap sa mga tauhan sa Kabanata 1 dahil sa paglalayas nito dahil narin sa hindi matiis ang asawa kaya niya napagbuhatan ng kamay. Siya ang Tiyahin ni Paulita Gomez

Simbolismo:

Bapor Tabo at mga paglalarawan dito– Pilipinas, Ang pamamahala ng mga may katungkulan sa gobyerno

*Kulay puti subalit itim sa loob – ang pagpapakitang marangal ang mga namumuno sa bansang Pilipinas subalit kung titingnan sa katotohanan ay makikita ang di mabuting gawa tulad ng kasakiman sap era, korupsyon, di magandang pamamalakad, kasamaan at bulok na sistema.

*Bilog na hugis nito (ang tabo ay karaniwang yari sa bao ng niyog noong panahon ng kastila) – sinasabing ang bilog ay walang hanggang gaya ng pagsisimbolo sa kasal. Kung ihahalintulad ito sa Bapor Tabo (Pamahalaan) ang walang hanggang suliranin, sakuna, at masasamang pangyayari nagaganap sa lipunan lalo na sa pamahalaan. Ito ang isa sa mga dahilan kung bakit mabagal at walang progreso, pag-usad ng kabuhayan ng mga Pilipino.

*Matanda ang kapitan ng bapor – kupas na ang kaalaman, hindi na aktibo at pinaglumaan na kayat ang kanyang kagalingan noon sa paglalayag (kagalingan niya sa pamumuno) ay hindi na epektibo sa Bapor Tabo (pamahalaan), kaya kailangan ng palitan. Minsan hinihinto niya ang bapor, minsan iniiwasan, at karaniwang umaatras upang umiwas sa sagabal. Ito lamang ay tanda ng gawain ng mga namumuno sa atin . Minsan napapako ang mga pangako at kawalan ng pagtugon sa mga problema ng bayan, minsan ay pikit-mata sila sa mga hinaing ng mamamayan at minsan ang kanilang tungkuling dapat nilang gampanan bilang inihalal sa pwesto ay hindi na nila nagagawa at tinatalikuran.

*Mabagal ang takbo – Pinapakita lamang ang mabigat na pasan ng Bayang Pilipinas sa maraming aspeto.

Simoun – Mga mayayaman, politiko at mga may kapangyarihan may lihim na masama at balak at iniisip lamang ang sariling kapakanan kaysa sa nasasakupan.

Ang dalawang palapag ng Bapor Tabo ( sa kubyerta at sa ilalim) – Ang dalawang uri ng tao sa Inang bayan: Ang mga mayayaman at mahihirap. Ang ganap na pagpapakita ng pagkakaroon ng diskriminasyon sa Pilipinas. Na habang maganda at maaliwalas ang buhay ng mga taong nasa itaas ay naghihirap at nagtitiis naman ang mga taong nasa ibaba.

D. Custodio – mga pulitiko na nagpapnggap na marunong at maalam subalit kung susukatin ay puro kapalpakan, pakitang tao at pagmamayabang lamang ang katotohanan.

akilalang mga magagaling subalit kung titingnan ay walang makikitang maganda at mabuting gawa sa kanya.

D. Victorina – Mga taong mapagbalat-kayo at may pag-iisip na colonial mentality

Ilog-Pasig – Ang daang tinatahak ng Pilipinas at ng mga namumuno dito. kawalang direksyon at mabagal na pag-unlad.

 Maikling buod ng kabanata:

Buwan ng Disyembre , naglalakbay ang Bapor Tabo sa Ilog Pasig galing Maynila patungong Laguna. Ang Bapor Tabo aynagbubuga ng maitim na usok, pabilog ito at hugis tabo, makailng ulit itong sumasadsad sa mga mabababaw na bahagi ng lupa kaya pati ang kapitan ng barko ay nahihirapan sa pagmamaneho. Ang bapor tabo ay paiba-iba ang direksyon kea naiinis ang lulan ng barko lalo na si Donya Victorina na lalong nag-iinit ang ulo sa pagsigaw ng kapitan ng barko. May dalawang bahagi ang Bapor Tabo: ang itaas na kubyerta na kung saan ang mga kilalang tao, mayayaman ang may lulan nito at ang ilalim na kubyerta na kung saan naman lulan ng mga hindi kilalang tao sa lipunan. Mga indiyo at mga intsik na mai dalang kalakal.

sa itaas ng kubyerta makikita natin sina Don Custodio, Padre Irene, Simoun, Ben zayb, Padre Camorra at Padre Salvi. Ang mga ito ay nag-uusap usap at naging paksa nila ang “pagpapailalim ng ilog pasig”. Nagbigay ng suhestiyon si don custodio na ang mga pato na lamang ang gamitin bilang mga trabahador na mag-aayos ng ilog. Kakainin nila ang mga susong nakadikit sa barko na nagdadagdag poa sa pagpapababaw ng barko. Si Simoun nam,an ay nagbigay rin ng suhestyon na gamitin ang mga bilanggo, matatanda at bata na maghukay sa ilog at may kanya-kanya silang dala na pagkain at kagamitan para makatipid ang pamahalaan sa paggastos, subalit tumanggi si Don Custodio dahil hindi makatarungan kung ito ang paraang gagamitin.

mas pabor sila sa suhestiyon ni Don Custodio ngunit mai isa lamang na tumanggi dito, si Donya Victorina dahil panandidirihan niya ang mga pato at mga balot na inilalabas ng mga ito. Sumingit sa usapan si Ben Zayb dahil maganda raw na maging paksa ito sa pahayagan upang makuha ang opinyon ng iba. Sina padre salve at padre Camorra naman ay nakikinig lamang sa ga usapan ngunit natatakot sila sa pahayag nin simoun dahil kung ganoong paran ang gagamitin maaaring magkaroon ng himagsikan..

 Mahalagang pahayag/pangyayari sa kwento:

(paliwanag sa bawat isa)

“ Lubha kasing napakaraming balakid ng ilog na ito! malaking sagabal sa daan” – P. Camorra

- Dito inilalarawan ang bapor tabo kung bakit ito ay mabagal. Sa Pilipinas ay punung-puno ng mga iba’t ibang mga problema at hinaharap na sakuna sa lipunan ginagalawan, sa politika at maging sa socio-economiko ng Pilipinas na hindi nabibigyan ng tuon at pansin ng ating gobyerno. Ilan lamang ito sa mga kadahilanan kung bakit ang Pilipinas ay mabagal sa pag-unlad.

“ Tabunan ang dating ilog at gumawa ng bagong ilog. Iyong Diretso” – Simoun

- Ipinakita ni Simoun ang direktang pagtuligsa sa mga nanunungkulan sa pamahalaan. Marami ng mga napagdaanan ang Inang bayan subalit nakikita niya na ang nilalakaran ay walang patutunguhan. Kinakailangan ng tuwid at hindi baluktot na pamamalakad ng ating gobyerno

“”Ano ang masama kung masisira ang mga bayan, Huwag silang bayaran! Pagawain ang mga bilanggo, bihag sa bilangguan, ang lahat ng mamamayan, bata, matanda at pilit silang magdala ng kanilang sariling kagamitan at pagkain” – Simoun

- Naging marahas si Simoun sa kanyang pahayag na ito na dating si Crisostomo Ibarra (mabait, hindi palaban, ayaw ng away, at sumusunod sa mga nakakataas at may katungkulan), nabago ang lahat ng ito dahil sa nangyari sa kanya sa Noli Me Tangere. Sumunod siya sa lahat ng patakaraan at naging mabuti subalit ang naging kapalit nito ay ang paghahatol at pagpatay bilang isang Filibustero. Binibigyan niya ng ideya ang mga Kastila at mga nanunungkulan sa pamahalaan kung paano ang kanilang pamamalakad sa nasasakupan. Kapag nangyari ito ay maghihimagsik ang mga tao sa pang-aalipin nila at ito ay ang tunay na gustong mangyari ni Simoun upang matuloy ang kanyang balak na paghihimagsik at sumanib sa kanya ang mga tao. Inihalintulad ni Simoun ang sitwasyon na ito sa Ehipto at Roma na pinagawa ang mga pyramide at koliseo sa pamamagitan ng sapilitang pagtatrabaho (Slavery) subalit naghimagsik ba ang mga tao? Bagkus sila ay nakilala sa buong mundo dahil sa kanilang mga nagawa. Bakit hindi magawa ng mga Pilipino?

“Pipilitin ko ang mga tao sa tabing ilog na mag-alaga ng itik, kinakain nito ang mga susong nagpapababaw sa ilog at dahil doon, hindi na kailangang hukayin upang lumalim ito” – D. Custodio

- Sa panukala ni D. Custodio ipinakita at inilalarawan lamang ang mga pamamaraan ng ating gobyerno at ang mga namamahala dito sa kanilang pagbibigay ng mga solusyon sa ating mga problema. Ang lahat ng kanilang mga naisip na pamamaraan ay pansamantala lamang at hindi talaga permanenteng pagreresolba sa lahat ng problema. Mga panukala sa kongreso at senado na mas gustong piliin ang mabagal at mahabang pagbibigay solsyon sa problema kaysa sa mga epektibo at agarang solusyon.

“Ayoko, ayoko ng panukala mo D. Custodio, Kung dadami ang itik ay dadami ang balut , Diyos ko! Nakakasuklam ang mga balut” – Donya Victorina

- Isa sa mga tinuligsa ni Rizal sa tauhan na ito ay ang sakit sa lipunang pagiging mapagbalat-kayo at colonial mentality (mas pinapaburan ang mga banyaga lalo na ang mga sumakop sa Pilipinas kaysa sa sariling bayan). Ang balut ay sa Pilipinas lamang matatagpuan at isa sa mga pagkain ng mga Pilipino kinagigiliwang kainin. Kung titingnan natin sa totoong pagkatao ni D. Victorina ay tunay na siya ay isang purong Indiya (Pilipina) nag-aanyo lamang na taga-Europeo. Ikinahihiya niya ang lahing kanyang pinanggalingan. Ayon kay Rizal sa kanyang mga sinabi na “Ang taong hindi marunong magmahal sa kanyang sariling salita ay mas masahol pa sa malansang isda.” At ang kasabihan na “Ang taong hindi marunong lumingon sa pinanggalingan ay hindi makakarating sa paroroonan”. Kaya’t sa kabanatang ito ay makikita ang inis at galit na lamang ng mga tao sa kanya dahil sa kanyang masama at pangit na ugali. Siya’y iniiwasan ng lahat kapag siya ay lalapit sa kumpulan ng mga tao na waring walang nakikita.

Aral/Mensahe ng Kabanata:

Ang paglubog o pagtagumpay ng isang paglalakbay sa tinatawag na buhay ay nasa ating mga sariling kamay. – Sinu-sino ang mga taong maaaring gumawa ng mga ito? Ang ating sariling mismo, tayong mga mmamayan ng Pilipinas ang siyang dapat na magtulungan para sa ikauunlad ng bayan. Ang mga namumuno sa atin sa pamahalaan ay isa rin sa mga susi upang tayo ay ilagay at pamunuan sa tama at tuwid na daan. Walang bahid ng kasakiman, pagkamakasarali at masamang layunin sa tao at sa bayan.

Maghangad ng maganda para sa iba at hindi para sa sarili – Sa lahat ng mga sinasabi, ginagawa, nasa puso at isip ng tao ay dapat na nagtataglay ng kabutihan para sa kapakanan ng ibang tao at para sa bayan. Iyan lamang ang masasabi natin na buhay na inilalaan sa kadakilaan.

Ipagmalaki ang lupang tinubuhan – huwag ikahiya ang lahing pinanggalingan. Iwaksi sa sarili na ikaw ay isang tunay na Pilipinong nagtataglay ng kabutihan sa puso, sa isip, sa salita at sa gawa. Ipaglaban ang sarili mula sa kaapihan, pang-aalipin, pang-aabuso, pagsasamantala ng ibang tao lalo na sa mga kamay ng mga banyaga.




Archives

hello

October 2014
M T W T F S S
« Jul    
 12345
6789101112
13141516171819
20212223242526
2728293031  

Follow

Get every new post delivered to your Inbox.